May be an image of 2 people and text that says 'Suspek ARESTADO sa Hot Pursuit Operation ng San Pedro PNP October 9, 2023 LAGUNA PNP HOTLINES: GLOBE: 0917-383- 684 #SerbisyongTamaAtNagkakaisa #ToServeAndProtect @piolagunappo @Laguna Police Provincial Office @Laguna Police Force AGUNA'
 
LAGPIO-FB-1010-2023-01-14
Laguna PNP-PIO
Press Release
Tuesday, October 10, 2023
 

Suspek arestado sa Hot Pursuit Operation ng San Pedro PNP

 
Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang suspek sa pamamaril noong Oktubre 8, 2023 sa ikinasang Hot Pursuit Operation ng San Pedro PNP.
Kinilala ni PCOL HAROLD P DEPOSITAR, Officer-in-Charge, Laguna Police Provincial Office, ang suspek na si alyas "Jenner", residente ng Biñan City, Laguna.
Sa ulat ni PLTCOL PABLITO R NAGANAG, hepe ng San Pedro City Police Station, sa ganap na 3:50 ng madaling araw ng Oktubre 8, 2023 nakatanggap ng tawag ang kanilang duty TOC hinggil sa pamamaril sa Maligaya 4, Brgy. Pacita 1, San Pedro City, Laguna na agad naman nirespondehan ng kapulisan ng San Pedro CPS ang nasabing insidente.
Sa inisyal na imbestigasyon, napag-alaman na sina alyas Jeffrey (biktima) at alyas Jenner (suspek) ay magkainuman. Nang pabalik na ang biktima mula sa pag-ihi ay nakarinig ito ng putok ng baril. At doon ay nakita na lamang niya na may tama ng bala ang kanyang braso. Samantalang ang suspek ay agad naman tumakas.
At sa pagsasagawa ng San Pedro CPS ng hot pursuit operation, sa tulong ng CCTV footage ay natukoy ng mga ito ang salarin at kung saan ito nagtungo. At sa ganap na 7:00 ng umaga ay naaresto ang suspek na si alyas Jenner sa Maligaya 1, Brgy. Pacita 1, San Pedro City, Laguna. Narekober naman mula sa suspek ang isang unit ng kalibre .38 revolver at siyam na pirasong bala.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Pedro CPS ang naarestong suspek at nahaharap sa kasong Frustrated Murder at RA 10591 “Illegal Possession of Firearms and Ammunitions” na nasasaad din sa Violation of Omnibus Election Code (Gun Ban).
Ayon sa pahayag ni PCOL DEPOSITAR “Sa mabilis na aksyon ng Laguna PNP at sa pakikipagtulungan ng ating komunidad ay naging matagumpay ang operasyon. Dahil dito, ang pasasalamat ay ibinabalik namin sa komunidad na laging handang makipagtulungan sa PNP upang agarang madakip ang salarin .”#gtgilao #SerbisyongTamaAtNagkakaisa