May be an image of 2 people and text that says 'MOST WANTED PERSON PROVINCIAL LEVEL ARESTADO NG CALAUAN PNP October 6, 2023 LAGUNA PNP HOTLINES: GLOBE 0917-383-1684 #SerbisyongTamaAtNagkakaisa #ToServeAndProtect @piolagunappo @Laguna Police Provincial Office f @Laguna Police Force AGUNA'
LAGPIO-FB-1006-2023-03-09
Laguna PNP-PIO
Press Release
Friday, October 6, 2023
 

Most Wanted Person Provincial Level arestado ng Calauan PNP

 
Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang Most Wanted Person Provincial Level sa manhunt operation ng Calauan PNP, kahapon October 5, 2023.
Kinilala ni POLICE COLONEL HAROLD P DEPOSITAR, Officer-in-Charge, Laguna Police Provincial Office, ang akusado na si Alyas Aldrin residente ng Calauan, Laguna.
Saulat ni PLTCOL PHILIP T AGUILAR, hepe ng Calauan Municipal Police Station nagkasa ang kanilang warrant personnel ng manhunt operation sa ganap na 2:00 ng hapon Oktubre 5, 2023 sa Brgy. Balayhangin, Calauan, Laguna.
Isinagawa ang operasyon sa bisa ng warrant of arrest na nagresulta sa pagkakaaresto ni alyas Aldrin na nahaharap sa kasong Lascivious conduct na nilagdaan at inisyu ni HON. AVE A ZURBITO-ALBA, Presiding Judge of Regional Trial Court, Fourth Judicial Region Branch 8 Family Court, Calamba City, Laguna na may nirerekomendang pyansa na PhP300,000.00.
Samantala, ang arestadong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Calauan MPS, agad namang iimpormahan ang korteng pinagmulan ng Warrant of Arrest sa pagkakaaresto ng akusado.
Ayon sa pahayag ni PCOL DEPOSITAR “Pinaparangalan ko ang Calauan MPS sa operasyon na ito. Mas pinapalakas pa namin ang manhunt operations sa aming nasasakupan lalo na ngayong papalapit ang eleksyon.”#gtgilao