May be an image of 2 people and text that says 'MOST WANTED PERSON NG STA. ROSA CITY SA KASONG ILIGAL NA DROGA, ARESTADO October 5, 2023 1BT 18T313 reles LAGUNA PNP HOTLINES: GLOBE: 0917-383 JPC #SerbisyongTamaAtNagkakaisa #ToServeAndProtect @piolagunappo @Laguna Police Provincial Office @Laguna Police Force AGUNA'
LAGPIO-FB-1005-2023-02-06
Laguna PNP-PIO
Press Release
Thursday, October 5, 2023
 

Most wanted person ng Sta Rosa City sa kasong iligal na droga, arestado

 
Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang most wanted person, City level, sa manhunt operation ng Sta Rosa City Police noong Miyerkules, October 5, 2023.
Kinilala ni PCOL HAROLD P DEPOSITAR, Officer-in-Charge, Laguna Police Provincial Office, ang akusado na si alias John, tubong San Juan, Batangas at residente ng Sta Rosa City, Laguna.
Sa ulat ni PLTCOL DWIGHT F FONTE JR, hepe ng Sta Rosa Component City Police Station (CCPS) , naaresto ang akusado sa isinagawa ng kapulisan ng Sta Rosa CPS na operation sa Brgy Pulong Sta cruz, Sta Rosa City, Laguna sa ganap na 2:00 pm noong October 4, 2023, sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa Sec. 12 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165) na nilabas ng Regional Trial Court Branch 154, Biñan City Laguna, noong September 26, 2023, na walang nirerekomendang piyansa.
Ang akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Sta Rosa CCPS habang ang korteng naglabas ng warrant ay iimpormahan sa kanyang pagkaaresto.
Sa pahayag ni PCOL DEPOSITAR, “Isa sa tinututukan natin ngayon ang agarang pag aresto sa mga most wanted at wanted persons.”
“Hinihikayat natin ang mga kababayan na ipagbigay alam sa amin ang anumang impormasyon na kanilang nalalaman tungkol sa kinaroroonan ng mga wanted persons at sa mga iligal na aktibidades na kanilang nasaksihan sa kanilang lokalidad upang mabigyan natin ito ng karampatang aksyon. Ang mga hotline numbers ng estasyon ng pulisya ay naka-post sa Facebook page na kanikanilang police station at sa mga public places sa bawat bayan.” Dagdag ni PCOL DEPOSITAR. #gtgilao