May be an image of 4 people and text that says 'Leader ng Paguio Crime Group Arestado sa Buy-bust Operation sa Biñan City October 6, 2023 o LAGUNA PNP HOTLINES: GLOBE #SerbisyongTamaAtNagkakaisa #ToServeAndProtect @piolagunappo @Laguna Police Provincial Office f @Laguna Police Force LAGUNA'
 
LAGPIO-FB-1006-2023-02-08
Laguna PNP-PIO
Press Release
Friday, October 6, 2023

Leader ng Paguio Crime Group Arestado sa Buy-bust Operation sa Biñan City

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang leader ng Paguio Crime Group at isa pa nitong kasama sa ikinasang drug buy-bust operation ng Biñan PNP kahapon Oktubre 5, 2023.
Kinilala ni PCOL HAROLD P DEPOSITAR, Officer-in-Charge, Laguna Police Provincial Office, ang mga suspek na sina alias Marvin at Daryl.
Ayon kay PLTCOL VIRGILIO M JOPIA, hepe ng Binan City Police Station nagkasa ang kanilang Drug Enforcement Unit (DEU) ng anti-illegal drug buy-bust operation kahapon sa ganap na 12:55 ng madaling araw Oktubre 5, 2023 sa may Brgy. Canlalay, Biñan City, Laguna na nagresulta sa pagkakaaresto ni alias Marvin Leader ng Paguio Crime Group at ng kanyang kasama matapos magbenta ng hinihinalang iligal na droga sa police poseur buyer kapalit ang buy-bust money.
Nakumpiska sa mga suspek ang siyam (9) na pirasong plastic sachet ng hinihinalang iligal na droga na may timbang na 1.9 gramo na nagkakahalagang humigit kumulang PhP13,110.00, isang coin purse na naglalaman ng PhP400.00, isang sling bag, isang unit ng Kaliber 38. Revolver na may kasamang limang (50 pirasong bala, isang unit ng motorsiklo at buy-bust money.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Biñan CPS ang mga arestadong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.” at RA 10591 “Illegal Possession of Firearms and Ammunitions”. Samantala, ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Provincial Forensic Unit (PFU) para sa forensic examination and ballistic examination.
Sa pahayag ni PCOL DEPOSITAR, “Ang pagkakaaresto sa mga suspek na ito ay resulta sa mas pinaigting na kampanya ng Laguna PNP laban sa iligal na Droga. Binibigyang babala ko din ang ating mga kababayan na umiwas o wag masangkot sa pinagbabawal na gamot. Tutugisin namin kayo.” #gtgilao