May be an image of 7 people and text that says '24 KATAO ARESTADO SA ONE-DAY ANTI-ILLEGAL GAMBLING OPERATIONS NG LAGUNA PNP October 2023 STL Jamy LAGUNA PNP HOTLINES: GLOBE 0917-383- #SerbisyongTamaAtNagkakaisa #ToServeAndProtect @piolagunappo @Laguna Police Provincial Office f @Laguna Police Force LAGUNA'
LAGPIO-FB-1001-2023-02-02
Laguna PNP-PIO
Press Release
Sunday, October 1, 2023
 

24 Katao Arestado, sa One Day Anti-illegal Gambling Operations ng Laguna PNP

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang 24 personalidad kahapon Setyembre 30, 2023 sa Anti-Illegal Gambling Operations ng Laguna PNP, sa pamumuno ni POLICE COLONEL HAROLD P DEPOSITAR, Officer-in-Charge, Laguna PPO.
Ang kampanya ng Laguna PNP laban sa iligal na pagsusugal ay maigting na pinatutupad ng kapulisan ng Laguna, sa tulong at suporta ng mamamayan lalong lalo na ng mga Barangay Intelligence Network (BIN) sa iba't ibang bahagi ng Laguna.
Nagsagawa ang Laguna PNP ng 11 na operasyon laban sa illegal number games o mas kilala sa tawag na (bookies) na nagresulta sa pagkaaresto ng 11 na suspek. Samantala, anim (6) na operasyon naman ang naitala laban sa other forms of illegal gambling na nagresulta din sa pagkaaresto ng 13 personalidad. Nasamsam sa mga arestadong suspek ang halagang PhP6,608.00 na bet-money.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang operating units ang mga arestadong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9287 "An Act Increasing the Penalties for Illegal Numbers Games, Amending Certain Provisions of PD 1602".
Ayon sa pahayag ni PCOL DEPOSITAR, “ Ang Laguna PNP ay buong puwersang tatalima sa direktiba ng Regional Director ng PRO CALABARZON, PBGEN CARLITO M GACES at ng Chief PNP PGEN BENJAMIN C ACORDA JR. na paigtingin ang mga operasyon laban sa iligal na pagsusugal sa buong lalawigan ng Laguna. Pinapaalalahanan din namin ang ating mga kababayan na umiwas sa mga iligal na gawain katulad ng iligal na pagsusugal upang makaiwas din sa pagkakaroon ng kaso at pagkakakulong. ” #gtgilao